"Pangingibang-bansa", isang sanaysay tungkol sa epekto ng migrasyon

Pangingibang-bansa
Isang sanaysay
ni Erika Jane C. Domingo

Sa dinami rami ng mahihirap sa bansang Pilipinas, trabaho ang pangunahing lunas para dito. Ngunit walang oportunidad na bumubukas para sa bawat mahihirap na Pilipino kaya’t ang tanging paraan, mangibang-bansa.
Migrasyon ang tawag sa paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa iba pang pook upang doon manirahan nang panadalian o pang matagalan. Ang Pilipinas ay may mataas na bilang ng mga migrante, tinatayang 8.6 milyong Pilipino ang naninirahan sa iba’t ibang bansa noong 2009 lamang. Tiyak na higit na mas mataas na ang bilang nila ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa ibang bansa na nakapang-aakit sa maraming Pilipino at dahil na rin sa pag-asang makababangon sa kahirapan. Ngunit kabuntot nito ang panganib, pang-aabuso, at pagsasakripisiyo ng mga migrante para sa kapakanan ng minamahal na pamilya. Kung patuloy ang palobo ng bilang ng mga migrante, patuloy din ang pagbawas ng bilang ng lakas paggawa ng bansa na makapagdudulot ng paglubog ng ekonomiya nito. Subait, kung titingnan ang kabilang bahagi ng sitwasyon, hindi lamang masamang epekto ang dulot ng migrasyon, hindi lamang karahasan ang nararanasan ng bawat migrante, maraming pamilya rin naman ang nakakaahon sa hirap dahil sa laki ng kinikita bilang OFW.

Kung darating ang panahon na kaming mga kabataan Pilipino ay magiging lakas paggawa ng bansa, handa ba tayong magsakripisyo na mangibang-bansa? O mas pipiliin nating magsilbi sa sariling bansa?



Mga Komento

  1. Pwede po bang malaman ang background nyo author? Kasi po ito po yung napili naming sanaysay na aming susuriin at irereport sa isang subject namin e kailangan pa po kasi naming alamin yung background nung gumawa ng sanaysay para po lubos naming maunawaan kung bakit niyo po ito sinulat đŸ™‚Maraming salamat po đŸ˜‡Sana po pwede

    TumugonBurahin
  2. pwede po ba mahirap to para isang pagsusuri ng sanaysay?

    TumugonBurahin
  3. Muli po, maaari po ninyong gamitin ang aking mga akda for educational purposes. Nais ko rin pong makatulong sa mga mag-aaral na katulad ko. Isama lang po ninyo sa inyong reference/sanggunian ang aking akda na inyong mapipiling gamitin. Maraming salamat po!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento