Pantay
na Paa
Tugmang
tula tungkol sa Isyung Panlipunan
Ni Erika Jane C. Domingo
Ni Erika Jane C. Domingo
Talamak
na isyu ng katiwalian
Ang
namumutawi sa ating lipunan
Takot
ang nadarama ng mamamayan
Nilamon
na ang ating kapayapaan
Sa
pagsibol ng panibagong umaga
Tila
hindi tinuturing na pag-asa
Dahil
sa pagmulat pa lamang ng mata
Mga
patay na katawa’y nakikita
Bawat
araw ay tila ba pagdurusa
Gasong
isip patuloy sa pagdududa
Aking
kaligtasa’y mahalaga pa ba?
Laban
ng buhay kakayanin mag-isa
Isang
araw bigla ko na lang nakita
Aming
kuta’y pinalilibutan nila
Ang
aking mga kasama ay wala na
Ako na
lang ang natatanging natira
Sarili’y
patuloy sa pag-aalala
Takbo!
Upang ‘di mahuli ng pulisya
Sa
isang putok lamang buhay wala na
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento