"Dugtungan ng Buhay", isang tula tungkol sa pangarap ng manunulat na maging isang doktor

Dugtungan ng Buhay
Tugmang tula tungkol sa Pangarap
Ni Erika Jane C. Domingo

Mithiing nagniningning sa kadiliman
Tila isang bituin sa kalangitan
‘Di nakakasawang titigan at masdan
Subalit halos imposibleng makamptan

Pagiging doktor ay ang aking pangarap
Kung aking makakamit ay anong sarap
Pagsisikap at determinasyo’y sangkap
Makakarating din do’n sa alapaap

Buhay na tunay na napakahalaga
Sa aking prayoridad ito ay una
Panatilihin ito na masagana
Sa tulong nga ng aking pangangalaga

Hindi lamang propesiyunal ang dasal
Gagawin ko ito ‘pagkat aking mahal
Buhay ng marami sana’y madugtungan
Walang makatutumbas sa kasiyahan

Sampung taon ang layo ng lalakbayin
Para sa pangarap ay kayang tiisin
Para sa bayan buong pusong gagawin

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento