"Isabuhay Alaala, Kalikasang kay Ganda", isang tula tungkol sa pag-asa at pagbangon ng kalikasan

Isabuhay Alaala, Kalikasang kay Ganda
Tugmang Tula tungkol sa Kalikasan
Ni Erika Jane C. Domingo

Bawat tanawin ay aking iibigin
O galak, pumuspos sa aking dadamdamin
Tubig na kay linaw, iyong matatanaw
Kalinisan ng lupang nakakasilaw

Iyong karikitang inukit ng panahon
Nais kong maglakbay, maglayag pa roon
Abutin man ako ng maraming taon
Mapuntahan lang itong mga atraksyon

Kalikasan, kita’y kinaaawaan
Ano ba iyong nagawang kasalanan?
Para ‘yong sapitin yaong kalupitan
Sana ay kanila itong pagsisihan

Iyong yumi ay alaala na lamang
Sinira na nila ang iyong kagandahan
Walang awa at hampas lupang nilalang
Ano itong ginawa sa kalikasan

May pag-asa pa ba tayong makabangon?
Mababalik pa ba ang mga kahapon?
Muli bang mamumutawi kanyang ganda?

O mananatili itong alaala?

Mga Komento